Nasa 51% ng mga adult Filipino ang hirap matukoy kung ano ang mga misinformation o fake news sa social media batay sa Social Weather Stations (SWS) survey.
Isinagawa ang SWS survey noong December 12 hanggang 16 sa 1,440 respondents.
Ayon kay Leo Larozo, Survey Research Specialist ng SWS, nakababahala ang nasabing bilang ng mga taong naniniwala sa mga balitang nagkalat sa social media.
Sa naturang survey din, tumaas sa 67% ang mga indibidwal na nagsasabing nagiging malaking problema ang fake news sa socmed kumpara sa 58% noong 2017.
Samantala, tumaas din sa 69% ang mga nagsasabing may problema sila sa pagtukoy sa fake news sa traditional media kumpara sa 60% noong 2017.
Tanging 8% ng respondents ang nakakuha ng perfect score sa fake news quiz na isinagawa ng Ateneo Policy Center.
Inabisuhan naman ng Vera Files Online Verification Team ang publiko na i-check ang mga website ng news agency upang maberipika kung mapagkakatiwalaan ang mga impormasyon.