Tutol ang limampu’t isang Pilipino na gawing legal ang diborsiyo sa Pilipinas.
Sa tugon ng masa survey ng OCTA Research group, 41% ng mga respondents ang sang-ayon sa divorce habang 9% pa ang undecided.
Karamihan sa mga Pilipinong sumusuporta sa diborsyo ay mula sa Mindanao na may 48%, sinundan ng National Capital Region na may 46%.
May pinakamataas naman na porsyento ng pagtutol sa diborsyo ang Visayas na nasa 59%.
Ang survey ay isinagawa mula September 30 hanggang October 4, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents.
Una nang inaprubahan ng House of Representatives ang Divorce Bill sa unanimous vote na 12-0, gayundin ng senado.