Nadagdagan pa ng 51 ang mga bagong gumaling na Pilipino mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hanggang kahapon, ika-10 ng Hunyo, pumapalo na sa 2,346 ang overseas Pinoys na naka-recover sa nasabing virus.
10 June 2020
Today is another day of more recoveries than new confirmed cases and fatalities among Filipinos abroad as reported by our Foreign Service Posts – with 51 new recoveries and 29 new confirmed cases in the Asia Pacific region and the Middle East, as well as, (1/2) pic.twitter.com/8PlgM9MvBQ
— DFA Philippines (@DFAPHL) June 10, 2020
Samantala, nasa 5,430 naman ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Pilipino mula sa 51 bansa at rehiyon at 2,702 rito ay patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Dalawang Pinoy naman ang nadagdag sa death toll na nasa 382.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive overseas Pinoy sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,374 cases; sumunod ang Europe na mayroong 856 confirmed COVID-19 positive cases; Americas na mayroon namang 654 cases at Asia Pacific Region na nakapagtala nan g 536 na kaso.