Nakapagtala ng 51 na mga volcanic earthquakes ang PHIVOLCS sa bulkang taal nitong nakalipas na magdamag.
Ayon sa PHIVOLCS, ang naturang mga volcanic earthquakes ay karaniwang tumatagal ng 17 minuto.
Bukod pa rito, naitala rin ang 43 mga volcanic tremors.
Dahil dito, nananatili pa ring nasa alert level 2 ang Bulkang Taal, dahilan para ipagbawal pa rin ang pagpasok ng mga residente sa permanent danger zone nito.