Kumonti ang mga Guerrilla front at mga rebeldeng komunista sa Pilipinas.
Batay sa ulat ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, nasa 11 mahinang Guerrilla front na lamang ang mayroon sa bansa sa pagtatapos ng nakaraang taon.
Ayon sa NTF-ELCAC, sa datos ng Presidential Communications Office, nasa 1,576 na lamang ang bilang ng mga rebeldeng komunista sa piilipinas noong 2023.
Mas konti ito ng 21.5 % , kumpara sa 2008 naitala noong 2022.
Dagdag pa ng NTF-ELCAC, umabot sa 78 Guerrilla front ang nalansag na noon pang 2017, at kanilang inanunsyo na wala nang aktibo nito sa bansa. – sa panunulat ni Charles Laureta