Kaisa ng mga Pilipino si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang ng Maritime and Archipelagic Awareness Month ngayong Setyembre.
Sa isang mensahe, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagpapataas sa kamalayan ng publiko sa mga usaping may kinalaman sa maritime at archipelagic resources ng bansa upang ma-protektahan ang interes at likas na yaman ng Pilipinas mula sa iba’t ibang banta.
Hinikayat din ng pangulo ang mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan, na suportahan at makibahagi sa clean-up at conservation activities sa kanilang lugar.
Sa bisa ng Proclamation no. 316, idinaraos ang Maritime and Archipelagic Awareness Month sa Pilipinas tuwing buwan ng Setyembre upang isulong ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa maritime at archipelagic nature ng bansa.