Posibleng dalawang bagyo pa ang mabuo at pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na linggo.
Ayon ito sa PAGASA, matapos ang pananalasa ng bagyong enteng na kumitil sa labing limang katao sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Batay sa PAGASA, pangangalanang bagyong “Ferdie” At “Gener” Ang mga weather disturbances kung sakali mang mabuo ang mga ito.
Inaasahang mabuo sa silangang bahagi ng luzon sa Linggo o Lunes ang unang Low Pressure Area (LPA).
Habang ang pangalawang LPA naman ay maaring mabuo sa Lunes sa may bahagi ng Guam.
Sinabi ng state weather bureau na parehong hindi magla-landfall ang mga mabubuong bagyo ngunit palalakasin nito ang habagat na magdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Nilinaw rin ng pagasa na posible pang magbago ang galaw ng mga nasabing weather disturbance.