Tiniyak ng Department of Agriculture na magkakaroon ng sapat na supply ng mga agricultural products ngayong “Ber Months” hanggang sa darating na holiday season.
Ayon kay Agriculture Spokesman Assistant Secretary Arnel De Mesa, kabilang dito ang supply ng sibuyas; karne ng baboy, manok, at baka; at bigas.
Dagdag pa ni Asec. De Mesa, sinisiguro rin ng D.A. na ang mga nasabing produkto ay nasa tamang presyo.
Paliwanag pa ng opisyal, bumabalik na sa dati ang supply ng mga pangunahing bilihin; at nakalatag na rin ang plano ng ahensiya na mag-import ng karneng baboy, manok, at baka, sakaling kapusin ang supply nito.