BESTOPTIONS Assistance Inc.
OFFICIAL STATEMENT
Nais po naming linawin ang mga kumakalat na posts na ang isang empleyado namin na naka-assign sa aming kliyenteng Goto Tendon ay tinanggal sa trabaho dahil lamang sa pagpapakain sa isang aso.
Sa totoo po, ganito ang buong pangyayari.
Binigyan namin siya ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanyang side ukol sa kanyang paglabag sa iba’t-ibang company policies at sa discipline manual.
Matapos nito, inalok namin siya ng pagkakataong ipagpatuloy ang kanyang trabaho sa ibang restaurant. Maayos po namin siyang kinausap. Sa huli, pinili po niya na magbitiw nang kusa.
Nananatili kaming committed sa pagsuporta sa aming mga empleyado at sa pagbibigay ng mataas na kalidad ng serbisyo.