Nangangailangan ang mga Pilipino ng mas marami pang suporta para paghandaan ang mga kalamidad.
Batay ito sa pag-aaral ng Harvard University, sa kabila ng pagtaas ng self-reported disaster preparedness level ng mga Pilipino sa 42%.
Sa survey mula sa mahigit 4,600 respondent, nakakuha ang mga Pilipino ng 19.2 na score mula sa limang objective measures para sa disaster preparedness.
Ito ang planning, training, material investment, information, at social support.
Ayon kay Harvard Humanitarian Initiative Director Vincenzo Bollettino, bagama’t senyales ng development ang lumabas na score, kulang pa rin ang kahandaan ng mga Pilipino.
Para aniya sa isang bansa na sapul ng mga sakuna, hindi ito sapat kaya’t dapat pang paghusayin ang pamumuhunan, pagpa-plano, at paghahanda upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino. - sa panulat ni Laica Cuevas