Naglabas na ang pamunuan ng Simbahan ng Quiapo ng ilang panuntunan at paalala sa lahat ng mga deboto ng Poong Hesus Nazareno.
Kabilang sa mahigpit na paalala sa mga deboto na huwag sumampa sa sa andas o sa karuwahe na kinalalagyan ng Black Nazarene; huwag magdala ng maraming bitbitin.
Kung magdadala ng bag, piliin ang transparent para madaling mainspeksyon; at huwag magdala ng alak o nakalalasing na inumin, habang pinapayagan naman ang mga deboto na maghagis ng kanilang panyo upang ipunas sa imahen ng Poong Nazareno;
Panatilihin ang kabanalan sa misa at iwasan makalikha ng anumang makakaagaw ng atensyon; at panatilihin ang kalinisan sa Quiapo Church at Quirino Grandstand.
Sakali namang makararamdaman ng hindi maganda, mas mabuting manatili na lamang ang deboto sa gilid ng daan at lumapit sa mga health assistance desk .
Magaganap ang inaabangang Traslacion sa Enero a-nuwebe ng 40 taong imahen ng Poong Hesus Nazareno bilang bahagi ng taunang kapistahan nito. – Sa panulat ni Jeraline Doinog