Pinawi ng World Health Organization ang pangamba ng publiko sa paglobo ng respiratory infections ngayong taglamig, lalo sa China.
Nilinaw ni WHO Spokesperson Margaret Harris na normal lamang ang pagdami ng respiratory infections, partikular ng human metapneumovirus (HMPV) sa Northern Hemisphere ngayong winter.
Sa katunayan anya ay mas mababa ang hospital utilization ngayong 2025 kumpara noong isang taon at hindi na rin naman bago ang HMPV na taong 2001 pa unang natukoy.
Nobyembre pa nagsimulang tumaas ang kaso ng HMPV na kadalasan naman sa mga malalamig na bansa, gaya sa America at China.
Sa kabila nito, kontrolado pa sa mga nasabing lugar ang dumaraming kaso ng seasonal respiratory diseases.