Ipinagdiwang sa Thailand ang kauna-unahang same sex marriage matapos itong maisa-ligal.
Makalipas ang ilang dekadang pangangalampag ng activisit groups, Thailand ang unang bansa sa Southeast Asia at ikatlo sa Asian region na nagsabatas ng same sex wedding matapos ang Taiwan at Nepal.
Mahigit 200 couple ang nakiisa sa mass wedding sa Bangkok, na pinalibutan ng rainbow flags at iba pang pride decorations.
Target naman ng bansa na maabot ang 1,448 wedding registrations sa isang araw, at makilala sa Guinness Book of World Records. – Sa panulat ni Laica Cuevas