Mahigit 20 pilipino na sinasabing sangkot sa mga iligal na aktibidad sa Estados Unidos ang napauwi na ng Pilipinas bilang bahagi ng mass deportation ng administrasyon ni U.S. President Donald Trump.
Ayon kay Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez, dawit ang 24 na Pinoy na napa-deport sa ilang minor criminal activities.
May maliit anyang pag-asa ang ilang naninirahan na mga Pinoy sa amerika na may trabaho at nagbabayad ng tax na magkaroon ng legal status lalo na kung iis-sponsor ang mga ito ng kanilang employer.
Dagdag pa ni Ambassador Romualdez, pai-igtingin pa nila ang pakikipag-ugnayan sa U.S. Officials upang matiyak ang karapatan at kaligtasan ng mga pilipino sa nasabing bansa sa kabila ng pagbabago ng immigration policy nito sa ilalim ng Trump administration.
Pinapayuhan naman ng opisyal ang mga Pilipino sa US na “walang legal status” na boluntaryo na lamang bumalik ng Pilipinas o trabahuhin ang kanilang mga dokumento, at huwag nang maghintay pa ng mass deportation. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo