Tumaas ng mahigit 70% ang mga scam call sa bansa nitong unang quarter ngayong taon.
Batay sa datos ng anti-scam application na Whoscall, umabot sa 351,699 ang nakakatanggap ng scam call, na mas mataas kumpara sa 201,760 na naitala noong huling quarter noong 2024.
Ayon kay Gogolook Philippines Country Head Mel Migriño, Whoscall App Developer, bukod sa text scam, lumipat na ang mga scammer sa scam call o mang-iscam sa pamamagitan ng tawag sa social media platforms tulad ng Viber.
Dahil dito, hinimok ni Migriño ang National Telecommunications Commission at cybercrime investigation and Coordinating Center na i-update ang mga miyembro ng mga platform upang maiwasan.