Ipinatupad ni US President Donald Trump ang 90-araw na pagpapahinto sa taas-taripa sa karamihan ng mga bansa bukod sa China.
Sinabi ni President Trump na tanging mga bansang hindi tumutol sa naunang ipinataw na taripa ng Amerika ang makakakuha ng 10% US tariff hanggang sa Hulyo, kabilang na rito ang Pilipinas, na dating may 17% tariff rate.
Bukod sa Pilipinas, nakatanggap din ng mas pinababang taripa ang Vietnam, Thailand, Indonesia, Malaysia, Cambodia, at iba pa.
Habang ang China naman, mula sa dating 34% na tariff rate ay itinaas ito sa 125%.
Kasabay nito, binigyang-diin ni Pres. Trump ang mga katagang “When you punch at the United States of America, President Trump is going to punch back harder”.—sa panulat ni John Riz Calata