Ligal ang naganap na pag-aresto kay dating pangulong rodrigo duterte ngunit iligal ang pag-surrender sa kanya ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).
Ito ay ayon kay dating Supreme Court Justice Adolfo Azcuna, sa pagharap kanyang pagharap sa panibagong pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations hinggil sa pag-aresto sa dating pangulo.
Paliwanag ni Justice Azcuna, ligal ang warrant of arrest ng icc na inisyu at isinilbi ng Interpol kay Duterte, bagamat noong 2019 ay naging epektibo na ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute.
Naniniwala din ang dating Supreme Court Justice na “extrajudicial rendition” ang pagsuko ng pamahalaan kay Duterte sa ICC. – —sa panulat ni John Riz Calata