Nasa 51 milyong katao ang ini-lockdown sa tatlong lugar sa China bunsod ng panibagong COVID-19 outbreak.
Ayon sa Health Ministry ng China, pinaka-marami ang apektado sa Jilin Province na aabot sa 24 million; mga lungsod ng Shenzhen, 17.5 million at Dongguan, 19 million.
Sa ika-apat na sunod na araw, aabot sa mahigit 2,100 ang additional COVID-19 cases ang naitala sa 58 lungsod dahilan kaya’t umabot na sa 10,000 ang total cases simula noong unang linggo ng Marso.
Pinaka-madami ang naitala sa Jilin na umabot na sa mahigit 4,605 cases.
Ito na sa ngayon ang pinaka-malalang COVID-19 outbreak sa China, simula nang madiskubre ang naturang sakit sa Wuhan City noong 2020.