Kabi-kabilang kilos protesta ang sumalubong sa ika-51 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Kaisa sa indignation rally ang pulisya, militar at force multipliers.
Alas-6 ng umaga pa lamang kahapon ay nakapuwesto na sa university avenue sa UP Diliman ang Quezon City Police District (QCPD) at National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ang iba pang lugar sa Metro Manila na may ganito ding aktibidad ay sa Bonifacio Monument sa Caloocan City; EDSA Shrine, kanto ng EDSA at Ortigas Ave; University Avenue kanto ng Commonwealth Ave. sa Philcoa sa Quezon City; Baclaran kanto ng Roxas Blvd.; Parañaque malapit sa Baclaran Church; Liwasang Bonifacio, Plaza Lawton sa Manila; Crossing, Calamba City sa Laguna; at Salakot sa Balibago, Angeles City, Pampanga.
Layon ng indignation rally na tapatan ang anibersaryo ng komunistang grupo.