Iniulat ng Department of Energy (DOE) na naibalik na ang suplay ng kuryente sa halos kalahati ng mga kabahayan na apektado ng pananalasa ng super typhoon Rolly.
Ayon sa update ng Task Force on Energy Resiliency, noong gabi pa ng Huwebes nagkaroon muli ng ilaw ang 52.72% o higit isang milyong households o kalahati ng higit dalawang milyong customers.
Samantala, iniulat naman ng National Electrification Administration (NEA) na mahigit P290-M ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyo sa power infrastructures ng 20 electric cooperatives mula sa higit 200 bayan at lungsod.