Patay ang 52 habang sugatan naman ang 100 pang indibidwal sa malawakang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa naganap na bagyo sa Quito, Ecuador.
Ayon sa mga tauhan ng National Risk Management Service, nasa 24 na probinsya o mahigit 27-K indibidwal ang apektado ng naganap na bagyo.
Base sa report ng mga otoridad, maraming mga gusali ang pinadapa ng kalamidad kung saan, aabot sa 13-K lupain ang nawasak.
Kabilang din sa mga nasira ang 6, 240 na kabahayan, mga eskwelahan at mga health clinics.
Sa ngayon patuloy pang nagsasagawa ng rescue operation ang mga otoridad sa naganap na insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero