Pinalaya nang muli ang unang dalawang batch ng 52 mga convict na sumuko sa mga otoridad.
Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, kahapon, Setyembre 27 pinalabas na ng NBP o New Bilibid Prison matapos makumpirmang hindi sila kasama sa listahan ng mga napalaya dahil sa GCTA o Good Conduct Time Allowance.
Pawang mga kuwalipakado aniya ang mga nabanggit na convict na makalaya sa pamamagitan ng pardon, parole o acquittal.
Dagdag ni Perete, maliban sa 52 mga sumukong convict meron pa silang 35 iba pa na isinasailalim na sa beripikasyon para muling mapalaya.
Nagpapatuloy din aniya ang deliberasyon ng DOJ – Bureau of Corrections Joint Task Force para sa muling pagpapalaya ng mga kuwalipikadong convict.