Nakatakdang sumailalim sa road worthiness test ang limampu’t dalawang (52) units ng Cher Bus matapos ang aksidente sa Alabang viaduct sa Muntinlupa City noong linggo ng Gabi.
Subalit nilinaw ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Spokesperson Atty. Aileen Lizada na una munang isasalang sa road worthiness test ang unang batch o dalawampu’t anim (26) na units.
Samantalang papayagan munang maka-biyahe ang kalahati sa kanilang ruta.
Ipinabatid pa ni Lizada na maglalabas sila ng show cause order sa Cher para maipaliwanag kung bakit hindi dapat suspindihin o kanselahin ang kanilang prangkisa.