Umabot na sa 521 mga miyembro ng New People’s Army o NPA ang sumuko sa pamahalaan simula noong Pebrero ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines o AFP Public Affairs Chief Col. Edgard Arevalo, ang patuloy na pagbababa ng armas ng mga miyembro ng NPA ay patunay ng paghina ng nasabing rebeldeng grupo.
Malinaw rin aniya na matagumpay ang mas pinaigting na combat at intelligence operations ng militar partikular sa mga lugar sa hilagang silangang Mindanao.
Batay sa tala ng AFP, nasa 18 mga miyembro ng NPA na ang sumuko sa mga military units ngayong Nobyembre kabilang ang isang Joel Embos alias Jojo at isang miyembro ng NPA’s militia ng bayan sa Surigao del Sur noong Nobyembre 3.
Tiniyak naman ni AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero na nakanda ang hukbong sandatahan ng Pilipinas na tanggapin at magbigay ng tulong sa mga susukong rebelde alinsunod na rin integration program ng administrasyon.
(Ulat ni Jonathan Andal)