Pormal nang nagtapos ng kanilang rehabilitasyon ang 53 dating gumagamit ng droga sa Fort Magsasaysay sa Nueva Ecija.
Matapos ang halos walong buwan ay tuluyan ng lalabas ng rehab ang mga dating drug dependent.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, sila ang kauna-unahang natapos sa drug rehabilitation sa buong bansa.
Ang Fort Magsaysay ang pinakamalaking drug rehabilitation facility sa bansa na may kapasidad na 10,000 katao.
By Arianne Palma