Umabot na sa 53 health facilities ng Department of Health (DOH) ang naapektuhan ng nagdaang lindol sa Abra.
Ayon kay DOH Assistant Spokesperson Undersecretary Beverly Ho, kabilang sa mga napinsalang pasilidad ay walong pagamutan; dalawamput walong rural health units at labing walong barangay health stations.
Sinabi ni Ho, na kasalukuyan nang nasa Abra si DOH Assistant Secretary Nestor Santiago katuwang ang mga lokal na pamahalaan upang alamin ang estado at i-assess ang pinsalang idinulot doon ng lindol.
Iginiit ni Ho na nagpadala narin ang kanilang ahensya ng mga trucks na may lamang 20 tents, 200 cot beds, personal hygiene kits, mga gamot at iba pang suplay sa nabanggit na lalawigan.
Bukod pa dito, nag-deploy narin sila ng mga medical teams sa Ilocos Training and Regional Medical Center at Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center upang tumulong sa mga sugatang residente.