Aabot sa 53 Islamist militants ang napatay sa pinaigting na isang linggong opensiba ng militar at pulis sa Egypt.
Nakatutok ang operasyon sa paglaban sa mga rebelde at teroristang nasa Sinai Peninsula.
Ayon sa Egyptian military, tinatayang nasa 680 insurgents na rin ang naaaresto ng mga awtoridad.
Matatandaang Nobyembre ng nakaraang taon nang ipag-utos ni President Abdel Fattah-Al Sisi ang pagdurog sa mga teroristang nasa kanilang bansa sa loob ng tatlong buwan.
—-