Pumapalo na sa 53 ang mga lugar sa Quezon City na nasa ilalim ng granular lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nakatatanggap ng food packs at essential kits ang mga pamilyang apektado ng special concern lockdown areas sa lungsod habang naka-quarantine ng 14 days bago isailalim muli sa swab testing.
Samantala, 100% nang okupado ang Quezon City General Hospital, Rosario Maclang Bautista General Hospital at Novaliches District Hospital.
Kasabay nito, umapela ang QC government sa kanilang mga residente na kaagad makipag-ugnayan sa barangay at Epidemiology and Disease Surveillance Unit sakaling kailanganing magpa-admit sa hope facilities.