Umabot na sa 53 ang naitalang namatay kabilang na ang 49 na mga sundalo at 4 na sibilyan sa naganap na pag-atake ng mga teroristang grupo sa Burkina Faso sa West Africa.
Ayon kay Government Spokesman Ousseni Tamboura, inatake ng mga armadong lalaki ang probinsya ng Inata, Soum malapit sa minahan ng ginto sa hilagang rehiyon ng sahel sa nabanggit na lugar.
Ayon kay Tamboura, may mga pangamba na maaari pang tumaas sa 150 ang bilang ng mga namatay dahil sa malawakang pag-atake kung saan, halos isandaang indibidwal ang nagkilos protesta sa lugar kasabay ng pagdeklara ng three days national mourning o 3 araw na pagluluksa. —sa panulat ni Angelica Doctolero