Naging matagumpay ang paglulunsad ng SpaceX ng kanilang 53-satellite Starlink mission sa Cape Canaveral Space Force Station sa Florida.
Ayon sa ulat, nilikha ng kompanya ang Starlink program na layong mabigyan ng high-speed internet access ang mga users sa mundo bilang suporta na rin sa kanilang space explorations.
Maliban dito, hangad ng SpaceX na mabigyan ng serbisyo ang lahat ng tao sa buong daigdig lalo na ang mga mamamayan sa mga mahihirap o liblib na lugar na walang internet connectivity.