Nanumpa na ang 533 bagong Bureau of Corrections (BuCor) officers kahapon sa pangunguna ni Officer-in-Charge Gregorio Catapang Jr.
Ayon sa BuCor, mula sa nasabing bilang, 289 ang magsisilbi sa New Bilibid Prison (NBP) Habang ilalagay sa Davao Prison at Penal Farm ang nalalabing 119 na opisyal.
Tiniyak naman ni Catapang na matututunan ng mga bagong opisyal ang kahalagahan ng mandato ng kawanihan ng bilangguan at patuturukan umano ang mga ito ng “Anti-corruption” vaccine.
Naging sentro ng kontrobersiya ang BuCor matapos ang pagkamatay ni Jun Villamor na sinasabing middleman sa pagpaslang sa beteranong mamamahayag na si Percival Mabasa o Percy Lapid. - sa panulat ni Hannah Oledan