Mahigit 500 bagong kaso na naman ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong Linggo, ika-14 ng Hunyo.
Sa pinakahuling tala ng DOH, nasa kabuuang 25,930 na ang kaso ng COVID-19 sa buong bansa makaraang makapagtala pa ng 539 bagong kaso ng virus; 366 sa mga ito ang ikinukunsiderang “fresh” cases, habang ang nalalabing 173 naman ay kabilang sa mga “late” cases o bahagi ng na-validate nang backlog.
Nadagdagan din ng 14 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa bansa dahilan para sumampa na sa 1,088 ang kabuuang death toll ng virus.
Sa kabila nito, nadagdagan din ng 248 ang bilang ng mga naka-recover na mula sa sakit kaya’t 5,952 na ang lahat ng mga gumaling mula sa virus.
Samantala, nakatakda namang magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte bukas, Lunes, hinggil sa kung magkakaroon ng pagbabago sa quaraninte rules sa bansa.