Tinaguriang Heroes of Life ni Running Priest Father Robert Reyes ang 54 na kongresistang bumoto laban sa death penalty bill.
Ayon kay Reyes, nakakatuwang kahit maliit lamang ang kanilang bilang ay hindi nagpatinag ang mga kongresistang kontra sa death penalty bill para ipakita ang kanilang paninindigan sa pagiging sagrado ng buhay ng tao.
Nagagalak aniya siyang consistent ang dating Pangulo ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo sa pag kontra nito sa parusang kamatayan.
By Judith Larino