Nakatakdang palayain ng Iran ang 54,000 bilanggo sa naturang bansa.
Pangangasiwaan ng ministry of health ng Iran ang pagpapalaya sa mga bilanggo sa layuning mapigilan ang pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa mga bilangguan.
Ayon sa Iran, mahalaga sa kanila ang kalusugan ng kanilang mga bilanggo kahit ano pa ang estado ng mga ito sa buhay.