Aabot na sa 55.2M Filipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19.
Mula ito sa 118.9-M doses ng COVID-19 vaccines na dumating sa buong bansa simula noong Pebrero ng isang taon.
Sa pinakabagong datos ng National COVID-19 Vaccination Dashboard, 4.9-M sa mga fully vaccinated ang naturukan na ng booster o additional doses.
Gayunman, inihayag ni Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez, Chief Implementer ng National Task Force against COVID-19 na halos 3-M senior citizens pa ang hindi bakunado.
Mas prayoridad pa rin anya ang pagtuturok ng 1st dose lalo’t ang mga unvaccinated ang posibleng maging sanhi ng pagsipa ng COVID-19 cases sa mga ospital at iba pang healthcare facilities.