Pumalo na sa 55 katao ang kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng super typhoon ‘hagibis’ sa Japan.
Ayon sa tala ng Kyodo news agency, nasa 16 katao pa ang nawawala at higit 100 katao ang sugatan.
Balik normal ang buhay ng ilang Overseas Filipino Workers (OFW) sa Japan matapos ang pananalasa ng super typhoon hagibis.
Ayon sa mga OFW’s sa Japan, ang iba sa kanila ay balik trabaho na lalo na ang mga manggagawa samantalang ang iba naman ay napagdesisyunan munang manatili sa kanilang mga bahay.
Samantala, nangako naman si Japanese Prime Minister Shinzo Abe na gagawin nila ang lahat para matulungan ang mga nasalanta ng super typhoon.