Sumuko sa pamahalaan ang 55 miyembro ng CPP-NPA-NDF kasabay ng kanilang ika-54 anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang grupo.
Ayon sa mga otoridad, ang mga sumuko ay sangkot umano sa iba’t-ibang pag-aaklas laban sa gobyerno mula sa NCR at sa iba pang karatig rehiyon.
Una nang sumuko sa pamahalaan ang 100 miyembro ng Gabriela, Anakbayan at Bayan Muna, na umaasang makakamit ang kapayapaan at makakasama ang kani-kanilang mga mahal sa buhay.
Dahil dito, nanawagan ang PNP sa iba pang miyembro ng NPA na sumuko at magbalik loob na sa pamahalaan para sa katahimikan at maayos na bansa, walang gulo at iba pang karahasan na posibleng mangyari anomang oras.