Mapupunta sa Visayas at Mindanao ang higit kalahati ng mga bagong dating na bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Department of Health o DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire, ito’y dahil sa nararanasang pagsipa ng mga kaso ng sakit sa mga nasabing lugar.
Gayunman, sinabi ni Vergeire na bagama’t mapupunta sa VisMin ang 55% ng mga bagong dating na bakuna ay mas pinaka-tinututukan pa rin ang National Capital Region o NCR Plus 8 na kinabibilangan ng Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal.