Nakapagtala ng 55 points ang nba player na si Giannis Antetokounmpo sa laban ng Milwaukee Bucks kontra Washington Wizards sa iskor na 123-113.
Si Antetokounmpo ay naging ika-4 lamang na manlalaro sa kasaysayan ng NBA na may 3 magkakasunod na laro na hindi bababa sa 40 points, 10 rebounds at 5 assist, kasama sina Russell Westbrook, Elgin Baylor at Wilt Chamberlain.
Maliban dito, nagdagdag din si Brook Lopez ng Milwaukee ng 21 points at 12 rebounds habang ang reserbang si Bobby Portis ay may 17 points at 13 rebounds para sa bucks.
Samantala, matapos ang laro, binuhusan ng ilang kanyang team mates si Antetokounmpo para sa pagkapanalo ng kanilang koponan.