Nagbukas ng oportunidad ang bansang Germany para sa 550 Filipino nurse.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), aabot sa mahigit P100,000 ang sahod kada buwan na matatanggap ng kwalipikadong nurse.
Maliban dito, malaki rin ang tyansang makakuha ng permanent residence ang mga nurse na magtatrabaho dito.
Mula 2013, umaabot na umano sa 800 Filipino nurse ang napadala sa Germany.