Isang 56 anyos na lalaki ang nagpakamatay dahil umano sa problema sa pinansyal sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City, Cavite.
Base sa imbestigasyong nakuha ng mga awtoridad, natagpuan nalang ang biktima na wala nang buhay matapos magbigti gamit ang isang electrical cord.
Tumanggi naman ang pamilya ng biktima na isailalim sa autopsy examination ang katawan ng biktima dahil naniniwala silang walang naganap na foul play sa pagkamatay nito.
Samantala, inilunsad naman ng National Center for Mental Health ang kanilang 24/7 hotline para sa mga Pinoy na may tanong tungkol sa Mental Health, mga nangangaailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin, o nanganganib mag-suicide.
Maaaring tumawag sa mga numerong 0917-899-8727 o 7989-8727 at 1553.—sa panulat ni Angelica Doctolero