Inihayag ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na 56 million doses ng COVID-19 vaccines ang darating sa bansa ngayong buwan.
Kabilang aniya sa mga inaasahang darating na bakuna ang 18 million doses na Pfizer at lima hanggang walong milyong doses ng Moderna.
Maliban dito, patuloy pa aniya ang pakikipagnegosasyon ng gobyerno sa iba’t ibang manufacturers.
Sinabi pa ni Galvez na sapat ang suplay ng bakuna ng bansa hanggang sa July 2022. —sa panulat ni Hya Ludivico