56 ang patay habang sugatan naman ang 30 pang indibidwal sa airstrike sa Northern Tigray Region, Ethiopia.
Ayon sa mga otoridad, sinalakay ng mga rebeldeng grupo ang isang paaralan na ginawang kampo para sa mga internally displaced.
Ayon kay Military Spokesperson, Colonel Getnet Adane, at Government Spokesperson, Legesse Tulu, matagal nang nakikipaglaban sa mga rebelde ang pamahalaan mula sa Tigray People’s Liberation Front sa loob ng 14 na buwan.
Ayon sa local authorities, posibleng ang pakikipaglaban ng gobyerno sa mga teroristang grupo ang dahilan ng kaguluhan sa lugar na nagresulta sa pagkasawi ng mga sibilyan.
Nangangailangan ngayon ng tulong ang mga residenteng nakatira sa nabanggit na lugar matapos mawasak ang kanilang tinitirhan dahil sa naganap na pagtake.
Sa ngayon, mahigit 140 katao na ang namatay sa serye ng air strikes sa Northern Ethiopia mula noong buwan ng Oktubre, 2021. —sa panulat ni Angelica Doctolero