Iginiit ni ACT Teachers party-list Representative France Castro na empleyado pa rin ang magdedesisyon kung susunod ito sa 56 years old retirement age.
Aniya, sa ilalim ng panukalang optional retirement age, mananatili pa rin ang 65 years old mandatory retirement age ng mga empleyado ng pamahalaan.
Paliwanag pa ni Castro na nag-ugat ang panukala nang makatanggap sila ng mga panawagan mula sa mga empleyadong may mga sakit na masyado nang mataas ang naturang edad ng pagreretiro.
Ito naman ay optional lang, dahil may mga clamor tayo sa ating mga teachers at mga empleyado na ‘yung 60 years old ay medyo, tingin nila ay hindi na sapat ‘yon para doon sa; halimbawa gusto nilang mag-retire, ‘yung mga may sakit, ‘yung talagang may extreme na cases ay pwede na ‘yung 56,” ani Castro.
Dagdag pa ni Castro, pwede ring kumuha ng ibang trabaho ang mga nagretiro sa maagang edad kung alam naman nilang malakas pa at kaya pa nila.
Optional lamang ito pero mananatili pa din ‘yung 65 years old na mandatory retirement age. Halimbawa kung mag-retire sila ng 56 at malakas pa sila, gusto nila ng ibang trabaho aside from teaching, pwede rin gawin ‘yun ng mga teachers and other employee,” ani Castro. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas