Ginawaran ng cash incentives ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City ang 562 outstanding students sa Joy of Public Service and Academic Achievement Awards 2022 na ginanap sa San Francisco High School noong Sabado.
Binigyan ng P200 ang mga elementary students na nakakuha ng third highest frade average, P3-K naman ang sa nakakuha ng second highest, habang P5-K naman ang iginawad sa nakakuha ng highest general average.
Nakatanggap naman ng P4-K ang mga highschool students na nakakuha ng pangatlong pinakamataas na grado, P6-K para sa pangalawang pinaka-mataas, at P10-K naman para sa may pinaka mataas na leading average.
Nabigyan din ng medalya at incentives ang mga student leaders na ibinigay ang kanilang serbisyo para sa kanilang pamantasan at komunidad. —sa panulat ni Hannah Oledan