Isinaialim na ng Police Regional Office 7 ang 54 na bayan sa Central Visayas sa election watchlist areas.
Resulta ito ng isinagawang assessment ng Regional Joint Security Council kung saan nakasaad din na sa 20 bayan sa Negros Oriental, anim ang nasa red category at 14 ang nasa orange category.
Inilagay naman sa election watchlist ang 17 bayan sa Cebu at anim na bayan sa Bohol.
Sinabi ni PRO 7 Director Police Chief Supt. Debold Sinas na posibleng magbago pa ang pagtukoy ng category sa mga lalawigan sa Central Visayas depende sa weekly monitoring ng mga pulis at sundalo.
Nasa red category ang mga lugar na mayroong presensya ng mga armadong grupo at may nangyaring kaguluhan noong mga nakalipas na halalan.
Samantala, nangangahulugan naman ang orange category ng presensya ng armed groups at yellow category naman para sa mga lugar na may mainit na political rivalry.