Ilan pang lugar sa Pilipinas ang kailangang palawakin ang coverage ng pagbabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nangungunang dahilan ang hindi malawak na pagbabakuna kaya hindi maibaba sa Alert level 1 ang buong bansa.
Sa bilang ng mga lugar sa bansa na ibinaba sa pinakamaluwag na restriksyon, 57 lugar pa rin ang hindi nakakasama.
Para maging kwalipikado, kailangang mabakunahan ang 80% ng Senior Citizens sa kanilang lugar at 70% ng kabuuang populasyon. – sa panulat ni Abby Malanday