Limamput pitong (57) porsyento ng mga Filipino ang naniniwalang mas lalala pa ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis sa bansa.
Ito ay batay sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) mula July 3 hanggang July 6.
Lumalabas na mas mataas ng 10 puntos ang resulta ng pinaka huling survey kumpara sa may 2020 survey kung saan 47% ng mga Filipino ang nagsabing nakikita nila ang “worst-case scenario” sa pandemya.
Samantala, mayroon namang tatlumput limang porsyento ng mga Filipino ang naniniwalang nalalagpasan na ng bansa ang pandemya.
Mababa ito kumpra sa naitalang 44 % nuong mayo habang ang natitirang 8% ay walang isinagot sa tanong sa survey