Nasawi ang 57 katao habang 2M residente ang apektado bunsod ng malawakang pagbaha sa Bangladesh at India.
Ayon sa mga otoridad, 47 sa nasawi ang nagmula sa India habang 10 sa Bangladesh.
Higit 90K indibidwal naman ang lumikas mula sa kanilang bahay at nananatili sa mga shelter.
Ito na ang pinakamalalang baha na naranasan ng dalawang bansa sa nakalipas sa dalawang dekada.
Mayorya ng lugar sa Bangladesh at India ay lantad sa pagbaha dulot ng paiba-ibang panahon at global warming.