Walang access sa social media ang bilyun-bilyong tao sa mga mahihirap na bansa sa mundo.
Ayon sa United Nations report, bagama’t umuunlad na ang daigdig, hindi pa rin natatamasa ng 57 porsiyento ng populasyon ang benepisyo ng makabagong teknolohiya partikular ang internet.
Binanggit sa UN Broadband Commission na dapat lahat ay nararamdaman ang pag-unlad.
Giit naman ni Houlin Zhao, Secretary-General ng International Telecommunication Union o ITU, mahalagang lawakan ang sukatan ng pag-unlad upang maabot at mabatid kung sinu-sino pa ang mga napag-iiwanan pagdating sa teknolohiya.
Nabatid pa sa ulat ng UN Broadband Commission na nararamdaman lamang ang internet ng 35 porsiyento ng mga tao sa ilang mahihirap na bansa.
By: Jelbert Perdez